NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Zambales kaninang umaga.
Naramdaman ang lindol alas-6 ng umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang epicenter ng lindol ay 123 kilometro sa kanluran ng San Antonio. May lalim itong 27 kilometro.
Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershocks ang pagyanig na ito bagamat maliit umano ang tyansa na ito ay makapaminsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending