KINUMPIRMA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isang doktor ang ika-apat na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.
“May isa pong bagong kaso sa amin, so apat na po ito, at ayon sa limitadong impormasyon na ibinigay po sa akin ay isa pong doctor ito,” sabi ni Belmonte sa isang panayam sa DZRH.
Idinagdag ni Belmonte na nagtatrabaho ang doktor sa isang pribadong ospital.
“Yung ika-apat, sa aking pag-tingin, sa aking pag-unawa, parang nahawa siya sa paga-alaga din ng mga pasyente, ‘yun ang nakikita ko,” ayon pa kay Belmonte..
“Kaya parang nakakalungkot naman para sa akin na ang ating mga health workers po ay naapektuhan na ng sakit na ito at nababawasan na ‘yung mga naga-aalaga sa may sakit,” dagdag pa ni Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.