Arci ipinagpalit ang 'Pamilya Ko' sa indie movie: Ang dami kong gustong gawin | Bandera

Arci ipinagpalit ang ‘Pamilya Ko’ sa indie movie: Ang dami kong gustong gawin

Reggee Bonoan - March 12, 2020 - 12:01 AM

KAMAKAILAN ay may blind item kaming isinulat dito sa BANDERA na may titulong ‘Pasaway na aktres biglang pinatay sa serye.’ At halos lahat ng humula ay iisang pangalan ang binanggit.

At heto’t may panayam pala kay Arci Muñoz ang Cinema News kung saan sinabi niyang hindi kinaya ng schedule ang taping para sa seryeng Pamilya Ko dahil may indie films daw siyang gagawin. Ibig sabihin, inamin ni Arci na siya ang bida sa blind item namin.

Aniya, “Schedule ko kasi, parang it doesn’t permit parang M-W-F kasi ang taping, so ‘yung schedule ko, right now I’m gonna be doing movies. Sabi ko, I have to choose, mga opportunities na mawawala over soap, ganyan, scheduling ang naging desisyon ko.

“Nag-usap kami ng production talaga ng maayos. Love ko yan, family ko yan, diyan ako nagsimula sa RSB (Ruel S. Bayani unit). Kasi ang dami ko ring gustong gawin talaga na mga proyekto na hindi ko magagawa. Pinagbigyan nila ako, binigay nila sa akin yun.

“Kasi meron akong isang pelikula na gusto ko talagang gawin, na never ko nagawa sa buong buhay ko. Sabi ko, palalampasin ko ba yung pagkakataon na yun. Napag-usapan namin nang mabuti ng mga bosses na ayun, sa schedule. Dami kong gustong gawin, e. Sobrang mahinahon nila akong kinausap,” aniya pa.

Natawa kami sa nabanggit niya tungkol sa sinabi raw sa kanya ng production na, “Kapag nalibot mo na ‘yung buong mundo, balik ka na lang.’ Sabi ko, opo. Ano naman, e, family naman kami doon sa Pamilya Ko.”

At sineryoso pala talaga ni Arci ang sinabing ito ng taga-production? Kaya siguro ito ang dialogue sa kanya ay dahil nga lahat ng theme park sa buong mundo ay gusto niyang puntahan.

Anyway, halos lahat ng nabasa naming komento ay nagsabing sana raw ay tinapos muna ni Arci ang Pamilya Ko bago siya namasyal. Botong-boto pa naman sila sa tandem nila ni Chico (JM de Guzman). Wala pa kaming alam sa mga indie film na gagawin ng aktres, ang nasagap namin ay ang pagkakapili sa kanya bilang leading lady ni Sen. Bong Revilla sa magiging entry nito sa 2020 Metro Manila Film Festival dahil nagkaroon na sila ng storycon sa bahay ng aktor kamakailan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending