UMAKYAT na sa 33 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) matapos na nakapagtala ng siyam na bagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH),
“The number that initially reported to us was only test samples, after further validation, there are only nine [new cases]. Officially saying, we have new nine cases hindi po labing-isa [not 11],” sabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire.
Nauna nang inihayag ng DOH sa isang post sa Facebook na umabot na sa 35 ang kaso ng COVID-19, bagamat inalis na ang naunang post kaugnay ng 11 bagong kaso.
Noong Lunes ng gabi, inihayag ni Pangulong Duterte na umakat na sa 24 ang kaso ng COVID-19 mula sa dating 20 na inihayag ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.