Studio audience sa live shows ng ABS-CBN ipinagbawal na rin dahil sa COVID-19
NAGDESISYON na rin ang ABS-CBN na pansamantalang ihinto ang pagpapapasok ng studio audience sa mga palabas nito simula ngayong araw (10 March 2020) matapos magdeklara ang gobyerno ng state of public health emergency.
Kabilang sa mga apektadong programa ang “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “iWant ASAP” “Magandang Buhay,” “Banana Sundae,” at “I Can See Your Voice.”
Ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga manonood, artists, crew at production team ang pinakamahalaga para sa amin. Responsibilidad nating lahat na tumulong sa pag-iwas ng pagkalat ng COVID-19.
Maraming salamat mga Kapamilya para sa patuloy na pagsuporta, pag-unawa, at pagtangkilik sa aming mga programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.