Willie pinatigil sa pagkanta ang batang contestant sa Wowowin...bakit kaya? | Bandera

Willie pinatigil sa pagkanta ang batang contestant sa Wowowin…bakit kaya?

Bandera |March 08,2020
facebook
share this

Willie pinatigil sa pagkanta ang batang contestant sa Wowowin…bakit kaya?

Bandera - March 08, 2020 - 12:55 AM

ADAH LEOSALA AT WILLY REVILLAME

Trending ang nakaraang episode ng Wowowin kung saan biglang pinatigil ni Willie Revillame ang pagkanta ng isang contestant sa “The Will to Win.” Hindi pumayag ang comedian-TV host na basta na lang mag-perform ang bata pagkatapos magkaproblema sa audio ng kanyang piyesa.

Biglang pumagitna si Willie sa stage at pinatigil ang performance ni Adah Leosala matapos niyang mapansin na hindi maganda ang ginamit nitong minus one, “Sandali, unfair sa kanya ‘yan eh.

Dapat tama ang pasok n’yo ng music. Mali ang pasok n’yo (ng music). Sorry hija. Kawawa ‘tong batang ‘to.”

Dito, nalaman ng TV host at ng production na ang contestant lamang ang nag-edit ng kanyang minus one gamit ang mobile phone. Bumilib naman si Willie kay Adah dahil ginagawa raw nito ang lahat para maabot ang pangarap.

Ang naging desisyon ni Willie, huwag nang gamitin ang minus one at pinatugtog nang live ang musicians ng Wowowin. Palakpakan naman ang audience after ng performance ni Adah.

Sey ni Willie, “Impromptu po ‘yun ah. ‘Yun ay biglaan lang kasi ‘tong batang ‘to, siyempre wala naman pera pang-edit, sa cellphone lang. So magmula ngayon, Michael, Jon, lahat ng nagha-handle ng The Will to Win, buti na lang ako ang may host dito dahil kung hindi ako, pinabayaan niyo na ‘yan. Nakita mo lumabas ‘yung galing.”

Ang mananalo sa nasabing talent search ay magwawagi ng house and lot, brand new car at P2 million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending