Payo ni Jinkee sa mga batang nag-asawa: Habaan ang pasensiya para tumagal kayo | Bandera

Payo ni Jinkee sa mga batang nag-asawa: Habaan ang pasensiya para tumagal kayo

Bandera - March 08, 2020 - 12:25 AM

JINKEE AT MANNY PACQUIAO

MAS feel pala ng pamilya nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee ang mag-stay sa mala-palasyong bahay nila sa General Santos City kesa sa mansiyon nila sa Manila.

May pa-house tour ang misis ni Pacman sa GenSan na mapapanood sa latest vlog niya sa YouTube. Una, in-explain muna ni Jinkee kung bakit punumpuno ng portraits at family picture ang living room, kung saan naka-display din ang mga litrato nila ni Manny with Korean actor Ji Chang-wook and American socialite Paris Hilton.

“Makikita n’yo na maraming picture frames kasi mahilig talaga ako magpa-frame ng pictures para may souvenir ako na hindi siya mawala kung kailan man siya kinuna,” ani Jinkee sa video.

Nakasabit din sa dingding ng bahay ang luma nilang family portrait kung saan kasama nilang mag-asawa ang mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess at Queenie.

“Ito pinagawa ko rin, family picture, parang si Queenie, ano pa lang diyan, four years old. Mahilig talaga ako sa collage noong bata pa sila hanggang ngayon. Kasi sila ‘yung greatest achievement ko, ‘yung mga anak ko,” aniya pa.

Kuwento pa ng misis ni Pacman, mas gusto nilang mag-stay sa kanilang GenSan home dahil may basketball court doon.

“Si Manny ayaw naman din niyang sa labas mag-basketball, so dito na namin ginawa lahat, may court na, pati ‘yung mga anak ko mahilig mag-basketball. So dito na rin sila.

“Kahit naman doon sa Manila mayroon kaming theater, pero walang basketball court kasi sa Forbes medyo maliit.

“Pero kapag nandito kami, mas gusto namin dito sa probinsya, sa GenSan, kasi makakapag-basketball sila. Nagagawa namin dito na sa isang bahay lang,” chika pa ni Jinkee.

Bukod sa mga bahay nila sa GenSan at Manila, may bahay din ang mga Pacquiao sa Los Angeles, California, USA.

May mensahe rin siya sa mga mag-asawa lalo na sa mga nagpakasal nang maaga, “Kami ni Manny, parang nagsama kami 20 years old ako, same age kami, so batang-bata pa kami noong nag-umpisa kami.

“Ang maipapayo ko lang siguro is habaan ‘yung pasensya, understanding ka sa partner mo.

“Siyempre pag-umpisa pa lang kayo, bata pa masyado, puro happiness lang ‘yung iniisip n’yo. Hindi n’yo alam na may nag-aabang na trials.

”Pag sa umpisa pa lang puro masarap, happy. As the day goes by, parang marami na kayong nalaman sa isa’t isa. Pero talaga kailangan maging understanding ka at habaan mo ‘yung pasensya mo para magtagal kayo,” payo pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending