Kim walang maisip na motibo para ipapatay: Bakit nangyari ito? | Bandera

Kim walang maisip na motibo para ipapatay: Bakit nangyari ito?

Julie Bonifacio |March 06,2020
facebook
share this

Kim walang maisip na motibo para ipapatay: Bakit nangyari ito?

Julie Bonifacio - March 06, 2020 - 01:05 AM

MAY mga nagpayo sa Kapamilya actress na si Kim Chiu na kumuha na ng bodyguard matapos ma-ambush kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Hindi biro ang nangyari sa dalaga kaya dapat lang na doblehin ang pag-iingat. Habang iniimbestigahan ang kaso, binigyan muna ng police escort ng PNP si Kim para masigurong hindi na mauulit ang nangyari kasabay ng pagbuo ng Task Force Kim.

Ayon kay Kim, marami siyang na-realize matapos ang insidente ng pamamaril pero pinanindigan niyang wala siyang kaaway at inagrabyadong tao para pagtangkaan ang buhay niya.

Ikinuwento ng aktres sa panayam ng ABS-CBN ang pangyayari, “Natutulog lang ako. Dapat magbabasa ako ng script pero inantok ako along the way palabas ng village so, humiga ako.

“So kung hindi ako inantok, tinuloy ko ‘yung pagbabasa ng script, siguro tinamaan na ako. Nagpaulan ng bala, eight bullets. Nakita ko ‘yung isang bala nasa windshield nakapatong. I’m scared.”

Agad din daw niyang inalam kung okay lang ang kanyang driver at personal assistant.

“Tiningnan ko silang dalawa. ‘Okay ba kayo?’ Kasi ‘yung driver ko, ‘yung windshield niya, butas na ng bala. Sabi nila, ‘Okay kami’ Sabi nila, ‘Ikaw, okay ka ba?’ Sabi ko, ‘Okay naman ako.’ Tapos hanggang sa umupo ako, nakita ko ‘yung mga baril na bilog-bilog sa bintana,” aniya pa.

Dito na niya tinawagan ang kanyang ate at iba pang kapamilya, “Tumawag ako na binaril ‘yung kotse ko. Ang dami kong tinawagan kasi hindi ko alam anong gagawin ko. Nasa loob ako ng sasakyan, ang daming pulis sa labas. May mga MMDA na. Hindi ko na alam. After that, nag-hang ako.”

Sa kabila ng nangyari, nag-report pa rin si Kim sa taping ng “Love Thy Woman”, “Nag-take ako ng dalawang eksena. Siguro adrenaline rush na mag-taping tayo, magtrabaho. People are asking me kung kumusta ako. Hindi ko alam. Tinatanong nila kung kumusta ka. Naisip ko, ‘Oo nga no? Kumusta pala ako.’ Natatakot lang ako why those things are happening.”

Pagpapatuloy niya, wala siyang maisip na dahilan para patayin siya o gawan siya ng masama. Malinis daw ang kanyang kunsensiya na wala siyang inaapakan o inaagrabyadong tao.

“Diyos ko, ako pa ba? Wala akong nakasamaan ng loob. Ang masasabi ko na lang, life is really precious. Kahit wala kang sakit, wala kang kasamaan ng loob. Kung natamaan ka ng balang iyon, siguro wala ka na,” lahad pa ng girlfriend ni Xian Lim.

Ang mahalaga raw ngayon ay buhay siya at ligtas din ang kanyang driver at alalay, “I am very happy and very thankful na more than 100 messages ‘yung natanggap ko. ‘Yung cellphone ko endless ‘yung tawag. Safe naman ako. Nagpapasalamat ako dahil nag-alala sila para sa akin. Sana makita na kung sino ang bumaril sa kotse ko.”

Kinausap na rin ni Kim ang kanyang abogado para sa susunod niyang hakbang tungkol sa kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa pamilya, mga kaibigan at fans, nabahala rin ang mga bossing ng ABS-CBN sa nanghari kay Kim kaya naman agad nilang pinuntahan ang dalaga para ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal.

Naroon sina Integrated News and Current Affairs head Ging Reyes, Star Magic head Johnny Manahan, chairman Mark Lopez, COO of Broadcast Cory Vidanes, and president and CEO Carlo Katigbak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending