Alden may bagong baby: nakabili na ng Ferrari | Bandera

Alden may bagong baby: nakabili na ng Ferrari

Cristy Fermin |March 06,2020
facebook
share this

Alden may bagong baby: nakabili na ng Ferrari

Cristy Fermin - March 06, 2020 - 12:50 AM

ALDEN RICHARDS

Kasinguwapo ni Alden Richards ang kanyang red Ferrari. Milyunan ang halaga ng ganu’ng sasakyan, mula sa pagsasakripisyo ng Pambansang Bae ang pagkakaroon niya ng ganu’n kagarang kotse, katuparan ‘yun ng kanyang pangarap.

Nu’ng hindi pa masyadong malaki ang kinikita ni Alden ay nakita niya ang Lamborghini ni Willie Revillame na nakaparada sa GMA-7. Nilapitan ‘yun ni Alden, saka hinimas-himas, nagkuwentuhan sila ng TV host.

Sagot sa kanya ni Willie, “Magkakaroon ka rin ng ganyan, basta magsipag ka lang, saka tiyaga-tiyaga lang. Huwag kang magbabago, lahat ng mga dreams mo, e, matutupad!”

Pagkatapos nang ilang taon ay isa-isa nang natutupad ang mga pangarap ni Alden. Nakapagpatayo na siya ng malamansiyong bahay, nakabili na rin siya ng iba-ibang sasakyan, pinakabago nga ang kanyang napakapoging Ferrari.

Natural, hindi naman mapakali ang kanyang mga bashers, ang mga taong hindi maligaya sa kanyang tagumpay, hindi raw dapat ipinagmamalaki ni Alden ang kanyang mga ari-arian, sinasarili na lang daw niya dapat ‘yun.

Si Alden pa ba naman ang mag-iingay tungkol sa kung ano ang meron siya? Kahit kailan ba ay naringgan na ng pagyayabang ang guwapong aktor?

Pero mas maraming maligaya para kay Alden, lalo na ang mga kasamahan niyang nakasaksi sa napakasimple niyang pagsisimula, hanggang sa sumikat na nga siya nang sobra pa sa kanyang inaasahan.

Mula sa pakikisabay sa service ng mga produksiyon dahil wala siyang kotse ay heto, Ferrari na ang kanyang minamaneho, wala talagang imposible kapag namumuhunan ng sipag at tiyaga ang isang nangangarap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending