PH Davis Cuppers sasagupa na sa Greece | Bandera

PH Davis Cuppers sasagupa na sa Greece

|March 05,2020
facebook
share this

PH Davis Cuppers sasagupa na sa Greece

- March 05, 2020 - 06:32 PM

Alberto ‘AJ’ Lim

MAGSISIMULA na ang bakbakan ng Pilipinas at Greece na pangungunahan ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas sa kanilang Davis Cup World Group II playoff tie na gaganapin ngayong Marso 6 at 7 sa Plaza Dilao courts ng Philippine Columbian Association sa Paco, Maynila. Makakaharap ng 20-anyos  na si Alberto ‘AJ’ Lim Jr. si Tsitsipas ganap na alas-10 ng umaga ngayong Biyernes habang makakasagupa ni Jeson Patrombon ang nakababatang kapatid ni Tsitsipas na si Petros. Maituturing na dehado si Lim kontra Tsitsipas dahil ito ay magmumula sa runner-up finish laban kay Novak Djokovic sa Dubai. Kung mayroon mang bentahe si Lim kay Tsitsipas ito ay ang katotohanang tinalo na niya ito sa isang doubles tournament noong kanilang junior days. Subalit matagal nang panahon ‘yun at ang 21-anyos na si Tsitsipas ay mayroon ng apat na titulo magmula nang maging pro at umangat na sa top 10 sa mundo. Makakatapat naman nina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales sina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis sa doubles na gaganapin ngayong Sabado, Marso 7. Susundan naman ito ng reverse singles kung saan makakaharap nina Lim at Patrombon ang magkapatid na Tsitsipas. Ang magwawagi sa Group II ay sasabak sa World Group II ties sa Seteymbre kasama ang mga natalong bansa sa World Group I. Ang mga talunan sa World Group II ay malalaglag naman sa Regional Group III na gaganapin Hunyo/Hulyo o Setyembre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending