Sikat na female celeb mas masahol pa sa preso | Bandera

Sikat na female celeb mas masahol pa sa preso

Cristy Fermin |March 05,2020
facebook
share this

Sikat na female celeb mas masahol pa sa preso

Cristy Fermin - March 05, 2020 - 12:30 AM

MAY mga pagkakataon palang nagsasabi rin ng kanyang mga saloobin sa mga kaibigan niya ang isang pamosong female personality. ‘Yun ay kapag sasabog na talaga ang kanyang dibdib sa mga sama ng loob na hindi niya masabi sa mga taong humaharang sa kanyang kaligayahan.

Pero dahil masyadong matinding magbantay ang isang kapamilya niya ay gumagawa siya ng mga paraan para hindi nito mapansin ang kanyang mga ginagawa.

Kuwento ng aming source, “Humahanap ng paraan si ____ (pangalan ng kilalang female personality) para hindi mapansin ng kasama niya ang gusto niyang mangyari.

“Hindi siya puwedeng makipag-usap sa mga kaibigan niya sa dressing room dahil nandu’n ang bantay niya, kaya sa rehearsals niya pinadadaan ang paglalabas ng kanyang mga sama ng loob.

“Natural, hindi naman dumidikit sa kanya sa stage ang bantay niya, kaya ang ginagawa ng girl, nagkukunwari lang silang nagre-rehearse ng mga kaibigan niya habang nagkukuwento na siya.

“Du’n na inilalabas ng girl ang mga sama niya ng loob, para raw siyang ibong nakakulong sa hawla, wala raw siyang freedom! Ginawa na nga raw niya ang lahat-lahat pero parang kulang pa rin ang mga pagsasakripisyo niya.

“All ears sa kanya ang mga kaibigan niya, pero hindi sila nagpapahalata, makakaamoy kasi ang bantay ng female personality. Kunwari na lang, e, meron silang pinag-uusapang gagawin sa show, pero ang totoo, naglalabas na ng mga sama ng loob ang pamosong girl,” unang kuwento ng aming source.

Medyo nagbago na lang ang sitwasyon nu’ng mga ilang panahon na ang nakararaan, may pinagkakaabalahan kasi ang bantay ng pamosong female personality, nakalulusot na siya paminsan-minsan.

Kuwento uli ng aming source, “Mahilig kasi sa business ang bantay niya, abalang-abala sa pagbebenta ng kung anu-ano, kaya kapag ganu’n, e, parang nagkakaroon ng freedom ang girl!

“Nakakaloka ang buhay niya, pangnobela talaga, dahil para siyang nakakulong sa isang lugar na wala namang rehas, pero grabe ang sentensiya sa kanya!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, knowing n’yo na siyempre kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending