Si Jericho Rosales ang endorser ng Trabahanap.com, isang website kung saan makakakita ng job opportunities ang isang aplikante.
“Nagkaroon po kasi kami ng deliberation sa team. Sino ba sa mga current stars ng ABS-CBN, in terms of personality, ay swak talaga kay TrabaHanap.com. kung alam po natin ang history ni Jericho bago siya maging Mr. Pogi ay marami siyang trabaho na pinagdaanan.
“And sa mga nagiging roles niya sa mga teleserye, kumbaga ay masasabi nating isa siyang idol or image in terms of isang mamayang Pilipino or mabuting trabahador. ‘Yung personality ni Echo talaga ang swak sa mga qualities na sinet ng team.
“Noong kinausap din namin si Jericho, sabi niya this is close to his heart at gusto niya ring makatulong kasi advocacy din niya ‘yung makatulong sa maraming tao especially kapag trabaho ang pinag-uusapan,” paliwanag ni Mark Awiten, head ng Trabahanap at Cinemo channel.
“Ang TrabaHanap po ay hindi isang recruitment agency,” paglilinaw ni Mark.
“Kami lang po ay tulay para maikonek lang po ‘yung aplikante doon sa mga employer na na naghahanap ng trabahador or mga employees.
“Kailangan lang po nila na mag-create ng account through the website. So wala pong human intervention or connection. Ang kailangan lang talaga ay wi-fi para makakonek sila doon sa TrabaHanap.com. at mag-create sila ng account. Para pong gagawa ng Facebook account. Sa Facebook, hanapin ninyo ‘yung kaibigan ninyong gusto n’yong i-add.
“Parang ganoon din po. ‘Yung kaibigan ay ‘yung ‘yong employer,” paliwanag ni Mark.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.