Maraming maninira kay Ivana Alawi dahil sa inggit | Bandera

Maraming maninira kay Ivana Alawi dahil sa inggit

Alex Brosas - March 04, 2020 - 01:15 AM

IVANA ALAW

FOR spreading malicious chismis about Ivana Alawi na pinaratangan niyang pumatol sa isang married actor-politician ay biglang kumambiyo si Lolit Solis.

“Siguro nga si Ivana Alawi na ang star of the hour. Hindi ba sign na napapansin ka na ng tao pag may kung anu anong mga chika na kumakalat tungkol sa iyo? Na napapansin na lahat ng ginagawa mo? Na iyon bibigyan na ng kulay kahit na isang ordinaryo na bagay.

“Dahil sa bata at maganda, ngayon ay masasabi pa natin very rich asian si Ivana dahil sa namana niyang properties at pera sa namatay na foreigner father niya at dahil narin sa siya ang bagong star na bibigyan ng malaking break ng Star Magic, hindi na ako nagtataka kung ang daming ikinakalat na balita about Ivana.

“Siyempre nga, star of the hour, pati iyon mga inosenteng lakad na makita siya na may kasama, lalagyan ng malisya. Naku, mea culpa, dahil pati ako naniwala sa isang tsismis na palagay ko ay ikinakalat ng isang naiinggit o nagseselos sa kung anuman nagaganap na magandang kapalaran kay Ivana Alawi.

“Inamin ko naman na parang unbelievable iyon mga tsismis, dahil paanong ang isang bata, maganda, mayaman at may haharapin malaking paghamon sa career makagagawa ng isang maling hakbang sa buhay. Hindi ko talaga naisip na dahil sa magandang buhay ni Ivana, sure na maraming inggit at gustong siraan siya.

“Imposible makagawa ng maling hakbang si Ivana with the guidance of her manager Perry Lansigan. Si Perry ay parang ama at ina sa mga hawak niyang talents, kaya ang guiding hands niya sa mga ito ay very personal at sure ako, kung susunod si Ivana Alawi kay Perry, tulad ni Dingdong Dantes ay magiging isa siya sa pinaka sikat at respetadong artista ng showbiz.”

That was Lolit’s aria on her Instagram account. Of course, na-bash ang matandang columnist.

“Ur bad manay, ikaw kaya nag post ng chismis abt Ivana sa pakeme na ‘diumano’, na para bang nagkukwento ka lang sa nasagap mo, pero obvious naman na nilagyan mo talaga ng malisya kc bnuhay mo pa ung old married politician isyu abt her. Na pwede naman sana abt her riches na lang knwento mo. Now hugas kamay at tnuturo mo sa iba?”

“Hindi tama ikalat ang tsismis paninira ang tawag dyan lalo pa sa isang artista na magsisimula pa lamang. Sana maging responsable sa mga ilalabas na balita.”

“Lola WHAT SORRY CAN DO IF THE DAMAGE IS DONE…magkano?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending