Tambalang Barbie-Migo nag-click, fans may hiling sa GMA | Bandera

Tambalang Barbie-Migo nag-click, fans may hiling sa GMA

Ervin Santiago |March 04,2020
facebook
share this

Tambalang Barbie-Migo nag-click, fans may hiling sa GMA

Ervin Santiago - March 04, 2020 - 12:45 AM

BARBIE FORTEZA AT MIGO ADECER

In fairness super benta ngayon ang loveteam nina Barbie Forteza (Ginalyn) at Migo Adecer (Cocoy) sa pinag-uusapang GMA primetime series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Hindi inaasahan ng nakararami na magki-click ang tambalang Barbie-Migo lalo pa’t ito ang unang pagtatambal nila sa isang serye. Napuno nga ang mga comment section ng video ng latest episode nila kung saan na-trap sila sa elevator at nagkaroon ng chance si Cocoy na aminin na ang nararamdaman nito sa dalaga.

Komento ng netizen na si Zzari, “GMA, you have to pair them up ‘coz they really do have a chemistry! May kilig eh! Please continue their love team.”

Samantala, nangangamba naman ang ilan na ang umuusbong na pagtitinginan ng dalawa ang magiging dahilan ng hidwaan sa friendship nina Ginalyn at Caitlyn (Kate Valdez) na nangyari na rin sa kanilang mga nanay na sina Sussie (Dina Bonnevie) at Amy (Snooky Serna).

Tutukan ang mga nakakakilig at nakakaaliw na eksena sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday tuwing gabi pagkatapos ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending