Student fare discount | Bandera

Student fare discount

Leifbilly Begas - March 04, 2020 - 12:15 AM

NOONG nakaraang taon ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Student Fare Discount Act (Republic Act 11314) na nagbibigay ng 20 porsyentong discount sa mga estudyante na sasakay sa pampublikong sasakyan.
Ayon sa batas ang discount ay ibinibigay, para tulungan ang mga mahihirap na estudyante at mahimok ang mga ito na tapusin ang kanilang pag-aaral.
Ang discount ay ibibigay hindi lamang mula Lunes hanggang Biyernes na kalimitang pasok ng mga estudyante kundi sa buong panahon na naka-enroll ang estudyante kasama ang weekend (Sabado at Linggo) at holiday.
Kung sa eruplano o barko sasakay ang estudyante ay mayroon din siyang discount. Pero kung mayroong promotional discount ang eruplano o barko, maaaring mamili ang estudyante kung ang gagamitin niya ay ang promotional discount o ang student discount (syempre kung saan mas malaki ang matitipid).
Sa pampasaherong bus at jeepney ay malinaw ang discount na ibinigay sa mga estudyante. Paglabas kasi ng fare matrix ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board ay makikita na roon ang pamasahe na dapat ibayad ng estudyante.
Pero iba ang kaso ng mga UV Express.
Malimit ay wala namang makikitang fare matrix sa mga ito. Bakit? Kasi ang biyahe ng mga ito dapat ay diretsuhan. Kaya nga sila “express” hindi magbaba at magsasakay ng pasahero kung saan-saan kundi sa magkabilang terminal lang.
At dahil walang sasakay at bababa sa gitna ng ruta ng biyahe, dapat naka-ako ang pamasahe na kanilang sinisingil.
Pero ang nangyayari ay bumibiyahe ang mga ito na parang FX taxi (na phase out na) at nakikipagkompetensya sa mga pampasaherong jeepney.
At lumalabag na nga sa kanilang prangkisa, may mga UX Express driver pa na hindi nagbibigay ng discount sa mga estudyante. Kapag umalma ang estudyante ay tinatandaan nila at sa susunod na sasakay ay hindi nila ito hihintuan.
Bukod sa hindi pagbibigay ng discount, may mga pasahero rin na sinisingil ng mas mahal kapag pahirapan ang pagsakay.
Kung P35 lang ang pamasahe na sinisingil sa isang pasahero, kapag mahirap sumakay ay naniningil ang mga ito ng P50 malayo-malapit. At syempre ang palaging idinadahilan ay ang trapik.
No choice naman ang mga pasaherong nagmamadali kaya pikit-mata na lang na magbabayad kahit na alam nila na sila ay ginugulangan ng driver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending