Child marriage ibabawal | Bandera

Child marriage ibabawal

Leifbilly Begas - March 01, 2020 - 08:48 PM

SA pagdiriwang ng National Women’s Month, isinulong sa Kamara de Representantes ang panukala na magbabawal sa child marriage na isa umano sa ugat ng pang-aabuso, karahasan at gender inequality.

Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, 15 porsyento ng edad 20-24 sa bansa noong 2017 ay ikinasal na bago pa man mag-18 taong gulang, ayon sa United Nations Children’s Fund.

“Child, early, and forced marriages pose risks and have serious impacts on the health and development of women and girls. Child marriage is a grave form of violence against women and girls, and we must put an end to this vile practice,” aniya.

Nakababahala rin umano ang ulat ng United Nations Population Fund na maraming batang babae na ikinasal ang ilang beses na nagbubuntis bago pa man maging mature ang kanilang katawan para maging ina.

Sa pag-aaral, ang mga 15-19 ay mas doble ang tyansa na mamatay dahil sa komplikasyon ng pagbubuntis at panganganak kumpara sa mga 20-24 anyos.

“Married girls will most likely drop out of school and lose their chance of getting educated, gaining a decent job, and earning for herself and her family. Child brides are also the most common victims of domestic abuse and violence,” dagdag pa ni Herrera.

Ang child marriage o ang pagpapakasal nqng wala pang 18 ay ikinokonsiderang paglabag sa UN Convention on the Rights of the Child, kung saan pumirma ang Pilipinas.

Sa bansa ang legal age ng pagpapakasal ay 18 pero may ibinigay na exemption sa mga Muslim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending