RAYMART kasama sa laban ang buong angkan; CLAUDINE wala nang pamilyang masasandalan | Bandera

RAYMART kasama sa laban ang buong angkan; CLAUDINE wala nang pamilyang masasandalan

Cristy Fermin - August 06, 2013 - 03:00 AM


Lahat ng maibibigay nilang suporta ay ibinibigay ngayon ng pamilya Santiago para kay Raymart. ‘Yun naman ang katangiang meron ang pamilya, ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan nilang lahat, kaya may umaagapay sa aktor sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Du’n naman kapos si Claudine Barretto, hindi nito kasundo ang iba nitong kapatid, ngayon mapatutunayan ni Claudine sa kanyang sarili ang kahalagahan ng pamilya.

Mabilis na makakabangon mula sa paghamong ito si Raymart dahil mula sa kanyang ina hanggang sa kanyang mga kapatid ay nakaagapay sa kanya habang lumalalim ang mga akusasyong ibinabato sa kanya ni Claudine.

Si Randy Santiago mismo ay sobrang lungkot ngayon sa kanyang mga nababasa. Hindi makapaniwala ang singer na ganu’n na lang ang ginagawang pangwawasak ngayon ni Claudine sa pagkatao ni Raymart.

Tama ang pananaw ni Randy, hindi bale na sanang iba ang panggalingan ng mga ganu’ng salita, pero kung magmumula ‘yun sa babaeng minahal ay napakasakit para sa pinatutungkulan ng mga akusasyon.

Hindi naman sinasabi ng kanyang mga kaanak na perpekto si Raymart, pero napakalayo naman sa katotohanan ng mga ibinabatong bintang sa kanya ni Claudine, ayon sa mga mismong kadugo ni Raymart ay walang katotohanan ang mga pinagsasasabi ngayon ng aktres.

Napakapribado pa naman ng mga Santiago, hindi sila ang tipong nagkakalat ng kanilang mga kakapusan sa publiko, ang pamilya Barretto naman ay sanay na sanay na sa pag-aaway-away sa mismong harapan ng mga camera at alam ng sambayanan ang likaw ng kanilang mga bituka.

Naninibago siyempre ang mga Santiago sa ganitong sitwasyon, nakikisimpatya sila kay Raymart na nasuong sa ganitong senaryo, kung sino pa talaga ang labis nating minamahal ang nananakit sa atin nang todo.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending