Lorna sa Coco-Robin scandal: Lahat ng away-showbiz may pagbabati sa ending
CLUELESS ang Grand Slam Queen na si Lorna Tolentino sa kinasasangkutang kontrobersiya nina Robin Padilla ay Coco Martin.
Hindi raw aware ang award-winning actress sa mainit na issue sa pagitan ng lead star ng seryeng Ang Probinsyano at sa kaibigan din niyang action star na si Binoe na nagsimula lang sa “buhos-tubig” joke.
Ginamit kasi ito ni Robin para wasakin umano ang credibility ni Coco sa gitna ng issue ng franchise renewal ng ABS-CBN. Dahil dito, negang-nega ngayon si Binoe sa madlang pipol.
Sa ginanap na mediacon kamakailan para sa renewal of contract ni LT bilang ambassador ng Beautederm, hindi rin nila napag-uusapan sa taping ng Probinsyano ang tungkol dito kaya nagulat siya nang malaman mula sa press ang issue.
For her part, wala naman siyang naranasan o nakitang insidente na nambubuhos ng tubig si Coco sa set, “Wala naman akong nakitang ganoon. Wala akong na-experience or nakita na may pangyayaring ganoon.”
Umaasa siya na maaayos din ang kontrobersiya at sana’y may mamagitan na parehong pakikinggan nina Binoe at Coco, “Lahat naman na mga away ng mga artista sa showbiz, later on, merong pagbabati.
“Kasi, iisa lang ang linya ng trabaho ninyo, e. So, nagkakaintindihan naman. Sa ngayon siguro, hindi pa sila nagkakausap, pero magkakaintindihan din sila,” ani Lorna. Aniya pa, kung buhay lang ang namayapang asawang si Rudy Fernandez, puwede itong tumayong peacemaker para magkaayos sina Robin at Coco.
Tungkol naman sa pagiging kontrabida niya sa Probinsyano, ang 10 days lang sana na guesting niya ay umabot din ng isang taon.
“Nakaka-drain talaga. Minsan, sa ginagawa ko, naiiyak ako. Kahit nanlilisik yung mata ko, teary-eyed pa rin ako. Kasi, parang sa puso mo, alam mo na minsan parang, ‘Meron pa bang ganito? Meron bang ganitong tao?’
“Kaya lang, napa-pacify naman ako ng mga katrabaho ko rin na kapwa ko artista na sinasabi na marami silang ganyan,” chika pa ni LT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.