Horoscope, February 29, 2020 | Bandera

Horoscope, February 29, 2020

Madam Sophia |February 29,2020
facebook
share this

Horoscope, February 29, 2020

Madam Sophia - February 29, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sopresa ang matatanggap na sobrang ikagagalak mo, habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong pangyayari. Makipag-sapalaran, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa lovelife, puwede ng pag-tsagaan ang isang Gemini o kaya’y isang Libra. Markahan ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)-Sa panahong ito hayaang ang kasuyo ang mag-pasya. Sa pinansyal, ipaubaya sa iyong kasuyo ang diskarteng may kaugnayan sa pera at makikita mo kikita kayo ng malaking halaga. Markahan ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Red at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)-Wag pang hinaan ng loob! Kung lalakasn mo ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Sa lovelife, wag magpaimpluwensiya sa negatibong kaisipan ng kasuyo. Sabihin mo sa kanya, ikaw ang dapat masunod at hindi siya. Markahan ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa lovelife, tuloy ang masayang suyuan habang patuloy ding kayong nagpapalago ng inyong kabuhayan. Kung hindi man nagbayad ang mga may pagakakautang sa panahong itong pumapasok na ang tag-araw, darating na ang dobleng oportunidad ng pagkakakitaan. Markahan ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Red at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Wag magpatalo sa lungkot! Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit na ang suweldo kaya sasaya ka na naman. Markahan ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Ito ang araw na muli kang kakasyahan ng langit. Magugulat ka, kusang pararamihin ng nasa itaas ang iyong kabuhayan. Sa lovelife, kahit nagkaka-edad painit pa rin ng painit ang suyuan at ang pagmamahalan. Markahan ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Orange at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Hindi makukuha sa puro na lang pakikipagkuwentuhan ang magandang kapalaran. Mabilis na aksyon ang kailangan. Sa lovelife, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Markahan ang 3, 18, 27, 35, 41 at 48. White at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) -Basta may ginagawa ka, at nagpapakasipag ang salapi at pag-unlad ay tuloy-tuloy ding bubuhos sa iyong buhay. Ganon din sa lovelife, kapag ikaw ay kinikilig na nagmamahal, tuloy-tuloy ding darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Sa araw na ito sa maling salita mapapa-away ka na naman. Sa lovelife at pinansyal, isipin mo munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap bago ka magsalita upang hindi ka mamali ng diskarte. Markahan ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Marahil ay naguguluhan ka sa mga nanyayari! Magpakatatag dahil ‘yon ang dapat para malagpasan ang lahat ng mga pagsubok. Sa pinansyal, ito ang panahong bigla kang magkakapera ng malaking halaga. Sa lovelife, wag mag alala kaya nga sunod sa iyo ng sunod ang kasuyo mo, dahil mahal na mahal ka niya. Markahan ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Pink at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Panahon na upang ituloy ang pagpupursege na yumaman, siguradong sa edad mong 50 pataas mararating mo rin yan. Sa lovelife, hindi dapat pakinggan ang negatibong suwesyon ng kasuyo. Markahan ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Red at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Ito ang araw na itinakda ng langit na makakaahon ka na sa mga problema at pagkakautang. Bilang pasasalamat dalawin ang isang kaibigang dati ng kaututang dila at sa kanya ka makipagkuwnetuhan. Sa lovelife sa panahong ding ito ng tag-araw, matutupad na sa iyo ang kasabihang: “….and the prince and the princess live happily ever after!” Markahan ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa taong ito ng 2020 kahit ayaw mo tuloy-tuloy ng lalago at lalo pang madodoble ang iyong kabuhayan. Sa lovelife, kapag hindi komontra sa isang proeykto na ginagawa mo sa ngayon ang iyong kasuyo, ito ang malinaw na indikasyong magtatagumpay ka. Markahan ang 6, 15, 25, 34, 40 at 42. Purple at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending