State of calamity idineklara ni Duterte sa CALABARZON dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal
IDINEKLARA ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa buong Region IV-A o buong CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ilang linggo matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal.
Pinirmahan ni Duterte ang Proclamation number 906 noong Pebrero 21, 2020 at inilabas ang kautusan ngayong araw.
“This declaration will, among others, afford the national government, as well as local government units (LGUs), ample latitude to utilize appropriate funds for the rescue, recovery, relief and rehabilitation of, and to continue to provide basic services for, affected populations, in accordance with law,” sabi ni Duterte sa Proclamation 906.
Idinagdag ni Duterte na isang taong epektibo ang state of calamity sa CALABARZON.
Matatandaang pumutok ang Bulkang Taal noong Enero 12, 2020 dahilan para itaas ang alert level 4.
Ayon sa datos, umabot ng 129171 pamilya o 483,389 katao mula sa Batangas, Quezon, Laguna at Cavite ang apektado ng pagsabog ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.