outbrain

Kris biglang gumanda ang aura nang makipagbati kay P-Noy

By Cristy Fermin February 27,2020
share this

Kris biglang gumanda ang aura nang makipagbati kay P-Noy

By Cristy Fermin February 27,2020
share this


TOTOO ang pahayag ni Kris Aquino na nagkakaroon man sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga kapatid ay hindi na nila ‘yun ipinaaabot pa sa publiko.

Sila-sila lang ang umaayos ng kanilang mga problema, hindi nila ginagawang circus ang kanilang personal na buhay, may lumalabas mang mga kuwento ay hindi diretsong nagmumula sa kanila.

Alam natin na nagkaroon ng gap nu’n si Kris at ang kanyang kuyang dating pangulo, pero hindi niya ‘yun idinedetalye, ang pinaka-clue lang niya ay ilang buwan na raw silang hindi nagkakausap ni P-Noy.

Pero kailan lang ay ayos na ang lahat sa kanila, hindi pa rin idinetalye ni Kris kung paano sila nagkasundo, sapat nang sabihin niya na buung-buo na silang magkakapatid.

Naturingang daldakina pero pagdating sa problema ng kanilang pamilya ay tikom ang bibig ni Kris, pakudlit-kudlit lang na impormasyon ang malalaman mula sa kanya, nirerespeto niya ang kapribaduhan ng kanilang pamilya.

Nu’ng nakaraang linggo ay hindi kagandahan ang itsura ni Kris nang batiin siya ng kanyang mga anak at household staff sa kaarawan niya. Halos hindi nga niya mabuhat ang maliit lang namang cake na iniabot sa kanya ni Bimby.

Pero ngayon ay maayos na ang kanyang aura, mukhang nakabawi na siya, malaki talaga ang nagagawa ng katahimikan ng kalooban sa buhay natin.

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang katawan. Makapagtrabaho na sana siya uli. Marami nang nag-aabang sa kanyang pagbabalik.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending