Horoscope, Feb. 25, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 25, 2020

Madam Sophia |February 25,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 25, 2020

Madam Sophia - February 25, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kahit mahina ang iyong loob alam mo bang marami ang naniniwala sa iyong kakayahan. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa sa kasalukuyan, dahil patungo ka na sa pagunlad at pagtatagumpay. Ang magandang kapalaran sa pag-ibig ay makakamit kung magsusuot lagi ng kulay na green. Markahan ang 1, 4, 28, 34, 45 at 49. Bukod sa green buenas ang yellow.
Aries – (Marso 21-April 19)- Ipagpatuloy ang pagiging buo ng loob, abot kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig ituloy lang ang walang maliw na pagmamahal sa isang Leo. Sa pinansyal, wag titigil hangga’t hindi yumayaman. Markahan ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Wag hayaan mawala ang minamahal dahil sa pagiging abala sa trabaho. Maglaan ng oras para sa kasuyong Virgo. Minsan dapat mong maisip na, aahin nga ba ang maraming salapi kung masisira naman ang inyong relasyon? Markahan ang 3, 9, 15, 27, 39 at 42. Lilac at pink at buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Pagkatapos ng kalungkutan, ligaya naman ang kasunod at kahit bahagyang nasimot ang salapi, sa susunod na buwan, mas maraming biyaya ang darating na may kaugnayan sa materyal na bagay. Basta’t ang mahalaga tuloy lang ang pagpapaganda at ugaling laging naka-smile. Markahan ang 2, 7, 19, 28, 34, at 41. Silver at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magsasawalang kibo ka na lang. Sa pag-ibig sabihin na sa iyong kasuyo ang isang bagay na gustong-gusto mong mangyari sa inyong relasyon. Sa pinansyal, kung aalisin ang awa at konting praktikalidad ang paiiralin, mas madali kang uunlad at yayaman. Markahan ang 2, 16, 25, 34, 39 at 42. Lilac at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Habang umiinit ang panahon, isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig ituloy at lalo pang pasiglahin ang pakikipag-relasyon sa kasuyong hindi gaanong palakibo. Markahan ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Pink at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Ang nararamdaman mo sa iyong ka-Facebook ay totoo. Gumawa ng paraan kung ayaw mong maunahan ng iba. Sa pinansyal, madaling kumita ng salapi ang problema madali mo rin itong nagagastos. Matutong magtabi at mag-ipon. Markahan ang 5, 17, 19, 23, 41, at 48. Green at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Bagamat likas sa iyo ang pagiging ma-arte, kailangang magamit mo ito sa pagkaka-perehan. Sa pag-ibig, dahil sa taglay mong ka-artehan mai-in love ka na naman ng wala sa lugar. Markahan ang 3, 13, 22, 34, 40 at 49. Red at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Pinagpala ka ng langit, dahil sa araw na ito sabay na darating ang isang masayang pag-ibig at ang pag-angat ng tuloy-tuloy ng kabuhayan. Dapat lagi kang nagpapasalamat sa may kapal at tumutulong ng hindi ipinamamalita sa mga taong gusto mong tulungan. Markahan ang 1, 10, 28, 31, 40 at 47. Lilac at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Ngayon na ang araw na patuloy na uunlad ang iyong kabuhayan at wala kang magagawa kundi dumami ng dumami ang iyong pera. Sa pag-ibig, ganon lang talaga ang iyong kasuyo, magtatampo kunwari pero maya-maya lang babatiiin ka na naman. Markahan ang 8, 17, 25, 30, 41 at 45. Beige at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Mas mangingibabaw ang paghahangad ng salapi at praktikalidad. Kailangang maunawaan ito ng iyong kasuyo upang hindi naman siya magtampo. Ipaliwanag sa kanyang kaya ka nagpapayaman, ay para din naman sa inyong future. Markahan ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Black at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Iwasang ang pag -iisip ng negatibo sa halip magtiwala sa sariling kakayahan at sa biyaya ipagkakaloob sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Magugulat ka pa, bigla at hindi kapani-paniwalang makahahawak ka ng malaking halaga ng salapi. Markahan ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Green at yellow ang buenas na kulay.
Pisces – (February 19 – March 20)- Makararamdam ka ng pagkahabag sa sarili kung bakit ikaw na lang ang laging inaasahan. Wag mag-alala, nakikita ng nasa itaas ang mga kabutihang iyong ginagawa. Bukas-makalawa, kikilos ang kamay ng langit, pagkakalooban ka ng suwerte at magagandang kapalarang ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Markahan ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Sivler at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending