Palasyo sinabing na kay Duterte kung tatanggapin ang pagso-sorry ng ABS-CBN | Bandera

Palasyo sinabing na kay Duterte kung tatanggapin ang pagso-sorry ng ABS-CBN

Bella Cariaso - February 24, 2020 - 04:51 PM

SINABI ng Palasyo desisyon ni Pangulong Duterte kung tatanggapin ang pagso-sorry ng ABS-CBN matapos naman itong ipanukala ni Sen. Lito Lapid.

Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na alam naman ng ABS-CBN na may atraso ito kay Duterte.

“Di ba yun ang sinabi ko sa programa ni Karen? Yun nga ang sinasabi ni Presidente, alam nyo na may atraso kayo, may ginawa ba kayo? Wala. ‘Yun ang tinatawag nyang hubris, masyado kayong mayabang,” sabi ni Panelo.

Ito’y matapos namang ipanukala ni Lapid sa pagdinig ng Senado na humingi na lang ng paumanhin ang ABS-CBN kay Duterte kung may maling nagawa ang network.

“…Na kay Presidente yun. Matapos na nangyari yun, kumbaga kung di nag-alburuto sa ‘yo, saka ka lang  hihingi ng paumanhin,” dagdag ni Panelo.

Ayon pa kay Panelo, personal na desisyon ni Duterte kung tatanggapin ang sorry. I don’t know how to respond to that. It’s a personnal decision.

“Hindi ko alam. Na kay Presidente yun… how will he will respond to that,” ayon pa kay Panelo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending