Entry ni Jay Altarejos sa 2020 Sinag Maynila biglang tsinugi
MATAPOS ang grand presscon last week ng Sinag Maynila Film Fest 2020, nagkaroon ng announcement kamakailan na hindi na kalahok ang pelikula ng direktor na si Jay Altarejos.
Maraming nagulat sa biglang pag-pullout ng pelikula dahil hindi raw ba ito nakita sa screening pa lang.
“Walang Kasarian Ang Digmang Bayan” ay anti-Duterte film na pinagbibidahan nina Rita Avila, Sandino Martin at Arnold Reyes.
Ayon sa Sinag Maynila, “After thorough review, found that there is substantial deviation from the submitted and approved script and that the film is no longer a faithful representation of the approved screenplay.”
Narito naman bahagi ng pahayag ng publicist ng pelikula na si Josh Mercado, “Kilala naman natin si direk Jay na may pinaglalaban ang pelikula. Walang makakadikta sa kanya. Gusto lang n’yang magkwento. Magkwento na makatotohanan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.