Ivana umaming crush si Coco: Ang gwapo niya, lalaking-lalaki | Bandera

Ivana umaming crush si Coco: Ang gwapo niya, lalaking-lalaki

Bandera - February 23, 2020 - 12:55 AM

IVANA ALAWI AT COCO MARTIN

KUNG may isang male celebrity na hinahangaan ang Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi, ‘yan ay walang iba kundi si Coco Martin.

Inamin ni Ivana na matagal na niyang crush ang lead star ng seryeng Ang Probinsyano. Type na type raw niya ang mukha ng aktor dahil Pinoy na Pinoy at lalaking-lalaki.

“Si Coco Martin ang crush ko talaga. I am very vocal naman sa pagsasabing crush ko ang mga Pinoy looking guys,” ang pahayag ni Ivana sa isang panayam pagkatapos ng story conference para sa launching series niya sa ABS-CBN na may titulong Ang Lihim ni Ligaya.

Bukod sa kagwapuhan ni Coco, hanga rin si Ivana sa galing ng Teleserye King bilang aktor at direktor. Nagkatrabaho sila nang maging guest siya sa Ang Probinsyano kung saan gumanap siyang lover ng yumaong veteran actor na si Eddie Garcia.

“Ang gwapo niya kapag nagwo-work. Ano kasi parang siya ‘yung nagdirek ng ilang scenes (namin ni Eddie Garcia), ang gwapo niya kapag nagdidirek siya,” kinikilig na chika ni Ivana kasabay ng pagsasabing sana’y mabigyan uli siya ng chance na makatrabaho si Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending