JM nawasak dahil sa droga: Binigyan ako ng pag-asa ng ABS-CBN
Ginamit ni JM de Guzman ang kanyang “dark past” para ibandera ang kanyang suporta sa ipinaglalaban na franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon sa Kapamilya actor, nang dahil sa ABS-CBN nagawa niyang maipagpatuloy ang kanyang buhay at utang niya sa network kung bakit maayos na uli ang buhay niya ngayon.
Sa Instagram, ipinost ni JM ang isang news clip kung saan mapapanood ang balita tungkol sa mga pinagdaanan niya noong nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot.
Ito’y ginawa ni JM habang nagaganap naman ang prayer rally sa paligid ng ABS-CBN building last Thursday na pinangunahan ng mga artista ng seryeng Ang Probinsyano sa pamumuno ni Coco Martin.
Alam naman ng lahat na halos tatlong taong namalagi sa isang rehabilitation facility ang aktor hanggang sa makabalik na nga siya sa showbiz noong 2017.
Narito ang caption ni JM sa kanyang IG post, “I lost my sanity bec. of drugs. ABS CBN gave me hope.
The government helped me to change. chances.
“Abs cbn gave me a chance to start a new life.
“Now im here with the chance given to prove that we can all make bad choices, and..we can change. we can inspire sa paraan ng pag express. sa sining.
“We as artists try our very best to use our dark past to be better to tell stories and inspire others na andun pa sa kumunoy. and abs was there to help me to help others. # peace #unity lets be role models and fix this. #lahattayopinoy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.