Maine walang wish para sa sarili: Yung hiling ko para sa lahat ng mahal ko | Bandera

Maine walang wish para sa sarili: Yung hiling ko para sa lahat ng mahal ko

Jun Nardo |February 22,2020
facebook
share this

Maine walang wish para sa sarili: Yung hiling ko para sa lahat ng mahal ko

Jun Nardo - February 22, 2020 - 12:25 AM

MAINE MENDOZA

WALA nang mahihiling pa si Maine Mendoza para sa kanyang sarili. Ngayong darating na March 3 ay 25 years old na si Meng.

Sa panayam kay Maine sa Unang Balita ng GMA, tinanong ang Dubsmash Queen kung ano ang kanyang birthday wish this year at kung may mahihiling pa ba siya para sa kanyang personal life.

Ibinahagi ang kanyang naging pahayag sa official Twitter account ng GMA Network.

“For myself, wala na akong maisip (na wish) pero siguro para du’n sa mga taong mahal ko na sana lagi silang ligtas and kung anuman ‘yung minimithi ng kanilang puso ay sana ipagkaloob din ng Panginoon sa kanila,” saad ng TV host-actress.

Mula nang magsimula sa Kalye Serye ng Eat Bulaga, wala nang patid ang blessings na dumating kay Meng hanggang ngayon.

Bukod sa mga regular TV show niya ay hands on din siya sa kanyang mga itinayong negosyo. Nauna na naming naibalita rito na lima na ang pag-aaring branch ng sikat na food chain ni Meng kaya kahit na hindi na siya magtrabaho ay buhay reyna na siya.

Ang bongga sa dalaga, namana niya sa mga magulang ang pagiging negosyante. Masinop din kasi si Maine sa kanyang kinikita at hindi niya bread and butter ang pag-aartista.

Gusto niyang paligayahin ang kanyang supporters na walang sawang sumusuporta sa kanya kaya patuloy pa rin siya sa showbiz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending