Matteo Guidicelli 'nanuntok' ng bodyguard sa kasal nila ni Sarah | Bandera

Matteo Guidicelli ‘nanuntok’ ng bodyguard sa kasal nila ni Sarah

John Roson - February 21, 2020 - 05:22 PM

NANUNTOK umano ng bodyguard ang aktor na si Matteo Guidicelli sa civil wedding nila ng singer-actress na si Sarah Geronimo sa Taguig City, Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya.

Naganap umano ang insidente dakong alas-11, sa isang mamahaling hotel sa Bonifacio Global City, ayon sa ulat ng Southern Police District.

Napag-alaman ng lokal na pulisya ang insidente nang magpa-blotter si Jerry Tamara, bodyguard ni Geronimo, Biyernes ng madaling-araw.

Bitbit pa ng 31-anyos na si Tamara ang isang temporary medical certificate mula sa Taguig-Pateros District Hospital nang magtungo sa pulisya.

Sinabi sa pulisya ni Tamara na nasisilbi siya bilang close-in security ni Geronimo nang ikasal ito kay Guidicelli nang siya’y suntukin sa leeg ng aktor, na isang ring tinyente sa Army Reserve Force.

Nag-ugat umano ang insidente sa di inaasahang pagdating ng ina ni Geronimo sa venue.

Hiniling umano ng ina ni Geronimo na makausap ang anak dahil hindi ito sinabihan tungkol sa kasal.

Nang malaman ito’y inakusahan at kinumpronta na umano ni Guidicelli si Tamara para sa pagtitimbre ng civil wedding sa ina ni Geronimo.

Sa kabila ng pagpapa-blotter ay hindi nagsampa si Tamara ng kaso laban kay Guidicelli, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending