ARESTADO ang dalawang lalaki nang makuhaan ng P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Muntinlupa City, Huwebes ng hapon.
Nadakip sina Joehari Mamasainged alyas “Kahel,” 25, at Naser Cayagcag, 21, kapwa residente ng Lower Bicutan, Taguig City, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region.
Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA-NCR, PNP Southern Police District, at Muntinlupa City Police ang operasyon dakong alas-5:40, sa Lakefront, Brgy. Sucat.
Nasamsam kina Mamasainged at Cayagcag ang limang pakete na may aabot sa 500 gramo ng umano’y shabu, ang buy-bust money, at isang motorsiklo.
Hinahandaan na ang mga suspek ng kasog paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.