Aktor dumaan muna sa matinding pagsubok bago sinuwerte
NU’NG dumating sa taghirap na panahon ang isang kilalang male personality ay kilalang-kilala siya sa pagpila sa opisina ng mga artistang pulitiko.
Palagi siyang nagbabantay, pinasasabi niya sa mga tauhan ng mga pulitikong artista na nasa labas siya, matagal din siyang naghihintay.
Kuwento ng aming source, “‘Yun ang time na wala talaga siyang raket. Wala siyang pelikula, wala siyang show, kaya talagang kailangan niyang manghingi ng tulong sa mga kapwa niya artista.
“Araw-araw ‘yun, may kani-kanyang schedule ang mga pulitikong artista sa listahan niya. Nakakahingi naman siya ng ayuda, pero hindi kalakihan, dahil malakas naman ang katawan niya at puwede siyang magtrabaho,” unang sultada ng aming chikadorang source.
Galing sa hiwalayan ang male personality, hindi kagandahan ang paghihiwalay nila ng kanyang misis na aktres, dahil isang pulitiko rin ang kinarelasyon nito.
Patuloy ng aming impormante, “Nag-iba ang buhay niya nu’ng maghiwalay na sila ng wife niya. Walang naiwang anak sa kanya, sumama sila sa mommy nila, kaya nag-iinom siya nang nag-iinom nu’ng mga panahong ‘yun!
“Nanggugulo siya, pinupuntahan niya ang wife niya sa kampanya, naghahamon siya ng away sa backstage! Wasak na wasak siya nu’n, nawindang ang buhay niya.
“Hanggang sa may nakilala na siyang girl na nagmahal din sa kanya. Hanggang unti-unti na siyang nakabalik sa pagtatrabaho.
“Pero talagang nakakaawa siya nu’ng time na ‘yun, parang katapusan na ng mundo niya, mabuti na lang at nakabangon uli siya!” sabi uli ng aming source.
Ngayon ay mas maayos na ang buhay ng male personality, bukod kasi sa nakapagtatrabaho na siya uli ay meron pang tumutulong sa kanya.
Panghuling kuwento ng aming source, “Tinutulungan siya ng isang taong napakalapit sa puso niya. Sumikat kasi ‘yun, nagkaroon sila nang matinding tampuhan nu’ng una, pero maayos na sila ngayon.
“Nakakatanggap siya ng tulong sa girl, hindi man regular, e, meron siyang inaasahan. At hindi na rin tatanggalin ng girl ang apelyido niya,” madiing pagtatapos ng aming source.
Alam na this, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi n’yo na kailangan ng clue, di ba naman?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.