Magulang ni Sarah galit na galit pa rin Matteo; kontra sa kasal | Bandera

Magulang ni Sarah galit na galit pa rin Matteo; kontra sa kasal

Cristy Fermin |February 21,2020
facebook
share this

Magulang ni Sarah galit na galit pa rin Matteo; kontra sa kasal

Cristy Fermin - February 21, 2020 - 12:45 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Malalim ang pinanggagalingan ng kuwento ng pagtanggi ng mga magulang ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli. Sa isang panahon na ang akala ng publiko ay maayos na ang kanilang relasyon ay hindi pa rin pala.

Sino ang mag-aakala na may problema pa rin pala sa pagitan ng aktor at ng mga magulang ni Sarah? Pinapayagan na siyang sumama nang mag-isa sa kanyang boyfriend sa pagbabakasyon sa ibang bansa.

Pero hindi pala ‘yun ang tunay na sitwasyon, kontra pa rin ang mga magulang ni Sarah kay Matteo, mas lumutang ‘yun nang magplano nang magpakasal ang dalawa.

Sa nakaraang concert ni Sarah at ni Regine Velasquez ay nakaakyat sa entablado sa unang gabi si Matteo. Kilig na kilig ang kanilang mga tagasuporta.

Pero sa ikalawang gabi ng matagumpay na concert ay wala nang Matteo na umakyat ng stage, bantay-sarado na ng kanyang mga magulang si Sarah, naghintay na lang pala si Matteo sa isang lugar na may kalayuan sa dressing room ng kanyang girlfriend.

Kuwento ng aming backstage source, “Wala nang nakakalapit kay Sarah nu’ng second night. Ang parents na lang niya, saka ang glam team niya.

“Tuwing matatapos ang production number ni Sarah, diretso na siya uli sa dressing room, nakasunod na sa kanya si Mang Delfin at si Mommy Divine.

“Binabantayan na talaga siya. Hindi na rin pinaakyat sa stage si Matteo, grabe talaga ang ginagawa nilang paghihipigpit sa anak nila,” kuwento ng aming impormante.

Mabuti na lang at matinding pana ni Kupido ang tumama sa dibdib ni Matteo, dahil kung hindi, baka matagal na silang hiwalay ni Sarah Geronimo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending