Kathryn nagbayad ng P300K para sa bagong ‘ear piercing’
Viral ngayon ang mga litrato ng tinaguriang Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo kung saan ibinandera niya ang bagong ear piercings.
Balitang ipinagawa ito ni Kathryn nang magbakasyon siya sa Dubai kamakailan. Isa ang girlfriend ni Daniel Padilla sa mga local celebrities na mahilig sa ear piercing.
Ayon sa sa isang taong malapit kay Kathryn, she got her newest ear piercings from Maria Tash Dubai na nagkakahalaga ng P300,000. Last month, DJ’s GF also got new piercings na inialay niya sa lahat ng subscribers ng kanyang “Everyday Kath” YouTube channel.
Nauna nang naikuwento ng dalaga na nagpapabutas siya ng tenga kapag may bagong milestone sa kanyang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.