Ivana Alawi sa mga indecent proposal: Hindi n'yo ako mabibili! | Bandera

Ivana Alawi sa mga indecent proposal: Hindi n’yo ako mabibili!

Ervin Santiago |February 20,2020
facebook
share this

Ivana Alawi sa mga indecent proposal: Hindi n’yo ako mabibili!

Ervin Santiago - February 20, 2020 - 06:35 PM

IVANA ALAWI

“YOU cannot buy me!”
Yan ang ipinagdiinan ng Kapamilya sexy actress at YouTube star Ivana Alawi sa lahat ng mga nagpapadala sa kanya ng indecent proposal.

Sikat na sikat ngayon si Ivana, lalo na sa mga kalalakihan at katomboyan dahil sa mga sexy video at photo na ipinopost niya sa kanyang Instagram account at YouTube channel.

At dahil nga sa halos hubo’t hubad na niyang mga litrato sa IG at mga sexy videos, napakaraming handang magbayad kahit magkano kapalit ng kanyang serbisyo.

“Actually ang dami sobra ngayon, lalo na ngayon na parang feeling nila makukha ka kasi di ba, I mean, show skin and ano, pero dinededma ko sila.
“Minsan sinasabihan ko sila, ‘No. You cannot buy me’,” pahayag ng dalaga sa isang panayam pagkatapos ng story conference ng launching series niya sa ABS-CBN na Ang Lihim ni Ligaya.

“Feeling nila mayaman sila makukuha na nila lahat. You cannot buy everything with money,” ang diretso pang pahayag ng sexy actress.

Sa tanong kung anong feeling na milyun-milyon na ang followers niya sa Instagram at mga subscribers sa YouTube, hindi pa rin daw niya ma-explain.

“Hindi ko pa siya ma-process. Bigla kasi talaga eh so I mean hindi ko masyado iniisip na parang ito na, hindi, parang sa akin na lang I’m gonna continue being myself,” lahad ni Ivana.

Patutunayan daw ng aktres sa upcoming series niyang Lihim Ni Ligaya na hindi lang basta pagpapaseksi ang kaya niyang gawin.

“Aside from being sexy gusto ko rin ipakita na kaya ko rin umarte na hindi lang puro pa-sexy, na puro pakita ng skin, ‘yung swimsuit, I can do so much more,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending