Angeline inggit na inggit kina Sarah at KZ; handa na ring magkadyowa | Bandera

Angeline inggit na inggit kina Sarah at KZ; handa na ring magkadyowa

Ervin Santiago |February 20,2020
facebook
share this

Angeline inggit na inggit kina Sarah at KZ; handa na ring magkadyowa

Ervin Santiago - February 20, 2020 - 12:35 AM

ANGELINE QUINTO

IINGGIT na inggit si Angeline Quinto sa mga kaibigan niya sa showbiz na sina Sarah Geronimo at KZ Tandingan na kapwa engaged na sa kani-kanilang boyfriend.

Naikuwento ng Kapamilya singer-actress na minsan na siyang tinanong ni Sarah kung kailan niya planong mag-asawa, “Actually, may mga time talaga na nakakapagkwentuhan kami pero messages lang. Tawag, ganu’n. So ngayon, natuwa ako kasi parang minsan biniro niya ako na parang ‘Angge, kailan na?’ So parang sabi ko, ‘wrong send ka ba?’”

“Pero nandu’n ‘yung naiinggit ako kasi siyempre halos lahat ng mga kasama ko, si KZ kelan lang din engaged na siya. Si Sarah din. So ang dami din po talaga nagtatanong sa akin. ‘Angge kelan ka na ba?’ Siguro kagaya nga po ng palagi kong sinasagot, pinagpi-pray ko naman,” pahayag pa ng 30-year-old singer sa nasabing interview.

Hirit pa niya, “Pero kung gusto ko kasi talaga na kung magkakaroon man po ako ng mapapangasawa, siyempre nasa tamang edad na rin naman po ako. Hindi na rin naman po ako bata. Gusto ko rin po kasi, kung makilala ko man ‘yung tamang tao, ayoko na kasi ‘yung pa-sweet sweet effect eh. ‘Yung gusto ko ‘yung seryoso talaga. ‘Yung mapapakilala ko na sa Mama Bob.”

“Kasi ang Mama Bob ko naman, talagang willing na siya, honestly si Mama iniisip ko talaga. Siyempre habang buhay pa ako sabi niya, gusto ko maabutan ko ‘yung apo ko. Saka feeling ko kasi si Mama Bob magiging masaya siya sa buhay kung may bata,” aniya pa.

Ano nga bang mga qualities ang hinahanap niya sa isang lalaki? “Ang hinahanap ko siyempre unang-una ‘yung pagmamahal na ibinibigay ko kay Mama Bob sana ganu’n din. At tanggap din kung ano ‘yung mga nakaraan ko. At siguro ‘yung mapagmahal din sa pamilya niya. Hindi naman ako choosy sa itsura.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending