Horoscope, Feb. 20, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 20, 2020

Madam Sophia |February 20,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 20, 2020

Madam Sophia - February 20, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Itigil ang sobrang bait. Sa lovelife, alalahaning ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung hindi ka masyadong magpapauto sa mga taong masasama ang ugali na nakapaligid sa iyo. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)-Wag mong gawing kumplikado ang buhay. Sa lovelife, manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Markahan ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Red at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)-Sa lovelife may suwerteng hatid ang isang Virgo wag mo na siyang pakawalan. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain. Mag isip-isip din pag may time ng mga bagay na mapagkakakitaan. Markahan ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Violet at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa pinansiyal, unahing kumbinsehin ang mga taong nakapaligid sa iyo, kikita ka ng malaking halaga sa kanila. Sa lovelife, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang value at ng magsikap pa siya ng magsikap. Markahan ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Gold at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Sa pamamagitan ng rason at isip mas madali kang liligaya. Sa pinansiyal, tuloy ang dating ng malaking halaga kaht na marami na namang gastusin. Markahan ang 7, 16, 28, 37, 43 at 41. Yellow at black ang buenas na kulay.
Leo – (July 23 – August 22)- Disiplinahin ang sarili upang matupad ang pangarap! Kung marami kang bisyo, paano ka uunlad? Sa lovelife, sumunod sa mungkahi ng kasuyo upang lalo pang lumawig ang pagmamahalan. Markahan ang 1, 13, 23, 26, 35, at 49. Orange at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Laging magmadali, upang madali ding magkapera. Sa lovelife, kapag nag-init ang kasuyo na mahilig sunggaban agad. Markahan ang 5, 18, 23, 34, 41 at 49. Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Alalahaning, kung makakaiwas sa sakit malaking halaga ng salapi ang matitipid. Sa lovelife, bigyang proteksyon ang minamahal, palakasin ang immune system sa pamamagitan dagdag pang romansahan. Markahan ang 3, 6, 15, 30, 33, at 42. Maroon at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Sa lovelife tuloy ang pabugso-bugso at lihim na relasyon sa isang Aries. Sa pinansiyal, tuloy-tuloy na angat ang graph ng pag-unlad sa larangan ng materyal na bagay basta ituloy mo lang din ang dati mo ng ginagawa, – lakas ng loob. Markahan ang, 9, 18, 17, 32, 41, at 45. Gray at red ang buenas na kulay.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Tama ang ginagawa mo, umibig ka lang ng umibig. Wag mong pansinin ang iba, ang mas mahalaga ay maligaya ka. Sa pinansiyal, hindi baling gumastos, basta’t kaya ka gumagastos ay dahil dyan ka masaya. Markahan ang 6, 19, 28, 35, 43,at 49. Pink at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Huwag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa lovelife, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Markahan ang 4, 13, 27, 31, 42 at 48. Maroon at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Ipagpatuloy ang kabutihang ginagawa. Sa lovelife, habang nagpapakatino mas masarap na romansa ang mararanasan. Sa pinansiyal, iwasang bilin ang gusto na hindi naman kailangan. Panahon na upang magtipid. Markahan ang 2, 16, 22, 29, 42 at 46. Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa pagiging sobrang idealistic hindi ka yayaman. Dapat kang maging praktikal at magpakatuso. Alalahanin mong sa salapi, trabaho lang walang personalan, pera-pera lang talaga ang labanan. Sa lovelife, isakripisyo ang paninindigan alang-alang sa minamahal. Markahan ang 7, 28, 37, 40, 44 at 48. Magenta at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending