outbrain

Ex-gov’t official napurga sa kare-kare sa VDay

By Den Macaranas February 19,2020
share this

Ex-gov’t official napurga sa kare-kare sa VDay

By Den Macaranas February 19,2020
share this

SA tuwing sumasapit ang araw ng kanyang birthday, Pasko at maging tuwing Valentine’s Day, ay problemado ang ating bida.
Sa mga ganitong panahon ng selebrasyon ay nauubos ang kanyang araw sa pag-iikot sa kanyang mga mahal sa buhay.
At kapag sinabi nating mahal sa buhay, ito ay nangangahulugan na mga karelasyon bukod pa sa kanyang misis.
Nito ngang nakaraang Valentine’s Day naging extra busy ang ating bida dahil may kumpetisyon ang kanyang mga lovey doves lalo na sa pasarapan ng pagluluto ng kare-kare, ang sinasabing paboritong ulam ng ating bida sa kwento na dating mataas na opisyal ng gobyerno.
Kahit umay na umay na dahil maghapon siyang kakain ng kare-kare ay hindi siya pwedeng magreklamo dahil baka may magtampo sa kanyang mga karelasyon.
Bagama’t marami at patuloy pa sa pagdagdag sa kanyang mahabang listahan ng babae si Sir, ay wala pa itong balak magpaawat sa kanyang bisyo na pambababae.
Sinabi ng aking cricket na meron na namang bagong chiching si Sir maliban pa sa batambatang aktres na ibinahay niya sa US.
Ang nasabing aktres ay anak pa naman ng kanyang kaibigan na dating pulitiko rin na namatay may ilang taon na ng nakalilipas.
Tila immune na rin naman sa kundisyon ang misis ng ating bida kahit na sabihing paminsan-minsan na lamang ito kung umuwi sa kanilang bahay.
Ang baberong dating government official na tiyak na napurga na naman sa kare-kare nitong nakalipas na Valentine’s day ay si Mr. J…as in Jowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending