Liza Dino ayaw nang palakihin ang isyu kay Vivian Velez | Bandera

Liza Dino ayaw nang palakihin ang isyu kay Vivian Velez

Julie Bonifacio - February 17, 2020 - 12:35 AM

LIZA DIÑO

NO comment si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino sa huling pagkikita nila ng aktres na si Vivian Velez.

Dinaan na lang ni Chair Liza sa ngiti ang sagot sa tanong ng mga manunulat kung kumusta ang pagkikita nila ng dating sexy star sa ginanap na 4th Ambassador’s Night ng FDCP kamakailan.

Inimbitahan ng FDCP si VV sa Ambassador’s Night pero natapos ang event ay ‘di namin napansing dumating ang bagong head ng Actor’s Guild.

Ang alam ni Chair Liza, in-acknowledge raw ng kampo ni VV ang ipinadala nilang invitation. Invited ang veteran actress sa event dahil member ito ng FDCP.

When asked kung nagkaayos na ba sila ni Vivian pagkatapos ng palitan nila ng statement dahil sa 2019 Luna Awards ng Film Academy of the Philippines.

“It’s on a working board,” ngiti ni Chair Liza. “Of course, hindi maiiwasan na may mga question siya. It’s just a matter of, she’s very new. It’s just a matter of explaining to her kung ano ba yung mga patakaran na kailangan nating sundin.”

Nasagot naman daw nila ang mga tanong sa kanila ni Vivian, “Saka marami kami sa board. I’m the Chair. Pero maraming board members ang FDCP. So, we’re all working together para mas maging klaro at maayos lahat.”

Natuwa si Chair Liza sa turnout ng mga dumating sa Ambassador’s Night kahit na may coronavirus scare sa bansa. Ito ang ikaapat na taon ng pagbibigay-pugay ng FDCP sa mga natatanging pelikula at indibidwal na nagbigay karangalan sa Pilipinas from different international film festivals.

Labing-anim ang artistang binigyan ng award para sa mahusay na performance nila sa naipanalong pelikula sa ibang bansa. Kabilang dito sina Ai Ai delas Alas, Maja Salvador, Ogie Alcasid, Ina Raymundo, Barbara Miguel, Crisel Consuji, Krystle Campos, Geraldo Jumawan, Angeli Bayani, Max Eigenmann, “Rainbow Sunset” cast at ang veteran stars na sina Dante Rivero at Gloria Romero.

Kabilang din sa 16 actors na kinilala ang mga yumaong sina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Kristoffer King. Pasok naman sa hanay ng A-Listers si Judy Ann Santos, Jun Lana, ang mga pelikulang “Aswang,” “Mindanao” at “Verdict.”

Hindi naman nakarating para personal nilang tanggapin ang kanilang award for the Special Citation sina Bea Alonzo, Joel Lamangan at Cesar Montano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sina Ricky Lee, Nick Deocampo at Direk Cathy Garcia-Molina ang mga recipient this year ng Camera Obscura award.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending