Pabinyag ng contestant sa I Can See Your Voice sinagot ni Luis | Bandera

Pabinyag ng contestant sa I Can See Your Voice sinagot ni Luis

Ervin Santiago |February 17,2020
facebook
share this

Pabinyag ng contestant sa I Can See Your Voice sinagot ni Luis

Ervin Santiago - February 17, 2020 - 12:20 AM

LUIS MANZANO

NAGING memorable para kina Donny Pangilinan, Awra Briguela at Ronnie Alonte ang guesting nila sa I Can See Your Voice last Saturday night hosted by Luis Manzano.

Bukod sa nag-enjoy na sila nang bonggang-bongga sa isa na namang riot na episode ng nangungunang mystery music game show sa bansa, tagumpay din nilang nahulaan sa ending ang certified See-nger among the contestants.

Siyempre, panalo na naman ang hirit at pasabog na punchlines ng mga Sing-vestigators na sina Kalad Karen, Andrew E, Wacky Kiray, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga at Jobert Austria.

Walang ginawa sa kabuuan ng show ang tatlong bida ng pelikulang “James & Pat & Dave” under Star Cinema dahil sa “panggugulo” at pangungulit ng mga Sing-vestigators.

Samantala, binigyan naman ni Luis ng pambinyag ang Seen-tunadong contestant na si Ryan na tinanggal ng tatlong celebrity guests para hindi na nito magastos ang napanalunang P15,000.

Ayon kasi kay Ryan, sumali siya sa ICSYV para mapabinyagan na ang kanyang anak kaya sey ni Luis, “Kuya Ryan, itago mo na lang ang napanalunan mo at ako na ang bahala sa P15,000 para sa binyag ng anak mo!”

Sa ending, tagumpay ngang nahulaan nina Donny, Awra at Ronnie ang certified See-nger na si Baby C D E F G o Franzee Blanco sa tunay na buhay na kanilang naka-duet sa classic OPM hit na “Panalangin”. Siya ang nag-uwi ng P25,000. Naiuwi naman ng mga celebrity guests ang mailap na ICSYV trophy.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending