Myrtle Sarrosa Kapuso na; gustong makatrabaho si Alden dahil…
KALAT na ang balitang lumipat na sa GMA 7 ang sikat na cosplayer na si Myrtle Sarrosa matapos ang ilang taon ng pagiging Kapamilya.
May balitang pumirma na raw ng kontrata ang singer-actress sa GMA Artist Center pero ayaw pa niyang magbigay ng detalye tungkol dito.
Humarap si Myrtle sa ilang members ng entertainment media sa blessing ng MegaOne Building na pag-aari ni Aileen Choi-Go ng Megasoft Hygienic Products Inc..
Isa si Myrtle sa mga celebrity ambassador ng Megasoft at nakasama rin niya sa nasabing event ang dalawa pang endorser ng brand, sina Young JV at Ryle Santiago.
Ayon may Myrtle, wala pa siyang masasabi tungkol sa mga mangyayari sa kanyang career ngayong 2020, lalo na sa napabalitang paglayas niya sa ABS-CBN.
“Paano ko ba sasagutin yan? Basta magkakaroon po ng formal announcement about that. And I feel really blessed this year dahil maraming mangyayari as far as my career is concerned.
“So far, meron na pong three endorsements ngayong 2020 then two confirmed movies and sa TV? Sana po mas maraming TV projects this year, yun po,” pahayag pa ni Myrtle na matagal na ring walang regular work sa ABS-CBN kaya wala naman sigurong issue kung lilipat na siya sa GMA.
Natanong ang dalaga kung sino ang gusto niyang makatrabaho sakaling maging Kapuso na nga siya?Diretsong binanggit ng singer-actress ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, “Kasi pareho kaming gamer, we both play Ragnarok so, yun. Ha-hahaha! Kinakabahan talaga ako sa mga ganyang tanong!”
Samantala, promise ni Myrtle sa kanyang fans, mas magiging visible siya sa kanyang acting career this year pero siyempre tuloy pa rin ang pag-iikot niya sa mga school all over the country para sa advocacy/campaign ng “Sisters’ School is Cool” ng Megasoft Sisters Sanitary Napkin.
Sey ng dalaga, umabot na sa 85 school ang napuntahan nila kasama ang iba pang ambassador ng Megasoft para maghatid ng iba’t ibang klase ng tulong sa mga estudyante.
Ayon sa may-ari ng Megasoft na si Ms. Aileen, hindi lang naman sila basta nagpo-promote ng kanilang mga produkto sa mga pinupuntahan nilang eskwelahan kundi tumutulong din sila sa pagtuturo ng proper hygiene, tamang pag-aalaga sa sarili at pamilya at iba pang issue ng kabataan, tulad ng pakikipagrelasyon at pre-marital sex.
“Kasi kami ang approach namin sa mga kabataan, in a matter na madaling mag-sink in sa kanila, yung maiintindihan nila agad para mas madali nilang mai-apply sa buhay nila,” chika ni Ms. Aileen.
Bukod kina Myrtle, Young JV at Ryle, present din sa blessing ng MegaOne (along España) office and commercial center sina ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran at Anthony Taberna para sumuporta kay Ms. Aileen.
Dagdag good news pa ni Ms. Aileen ngayong 2020, marami pa silang ilo-launch na products at may mga kukunin din silang mga bagong celebrity endorsers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.