Ivana: Wag na kayong mag-save ng litrato ko para hindi kayo mag-break | Bandera

Ivana: Wag na kayong mag-save ng litrato ko para hindi kayo mag-break

Bandera - February 16, 2020 - 12:20 AM

IVANA ALAWI

Kung may isang sexy female star ngayon sa local showbiz na talagang pinapantasya ng mga kalalakihan, yan ay walang iba kundi si Ivana Alawi.

Balitang maraming magdyowa ngayon ang nag-aaway dahil sa kanya. Ito’y dahil nga sa halos hubad na niyang mga litrato sa Instagram.

Kamakailan ay pumirma na ng exclusive contract si Ivana sa ABS-CBN at nakatakda na ngang magbida sa kanyang launching series.

Gustong patunayan ni Ivana na hindi lang katawan ang pwede niyang ipakita sa madlang pipol, “I want to show also my acting side. There’s more than ‘yong sexiness, image, ‘yong pagpapakita ko ng skin, ‘yong pagiging hubadera ko.”

Sikat na sikat ngayon ang dalaga dahil sa kanyang vlogs at revealing photos and videos sa IG kung saan halos lumuwa na ang kanyang private parts. Kaya naman halos lahat ng lalaki ay naglalaway sa kanya.

Alam din niya na maraming babaeng nagagalit sa kanya dahil sa selos, “They were like ‘nag-break kami dahil sa ‘yo’ kasi ‘yung jowa daw nila were saving my photos.”

Kaya ang payo niya sa mga lalaking nagpapantasya sa kanya, “Sabi ko guys ‘wag na kayo mag-save ng photos ko para hindi kayo mag-break.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending