outbrain

Lolit Solis: Wala akong sinabi na ikasisira ni Claudine

By Alex Brosas February 15,2020
share this

Lolit Solis: Wala akong sinabi na ikasisira ni Claudine

By Alex Brosas February 15,2020
share this

LOLIT SOLIS AT CLAUDINE BARRETTO

Na-bash nang husto si Lolit Solis dahil sa nega niyang comment kay Claudine Barretto.

“Meron isang fan si Claudine Barretto na lagi ay meron comment sa IG ko na binibira ko daw lagi si Claudine. I stand corrected dahil parang wala naman ako matandaan na insidente na nagsalita o sumulat ako ng kahit anong ikasisira ni Claudine.

“In fact I like her personally dahil magalang siya at mabait sa tuwing nakikita ko siya. Gusto ko iyon advocacy niya na mag-adopt ng bata, na sana nga ay matulungan niya sa proseso na mapadali ang adoption na sinasabi ng iba na sobra daw sa dami ng daraanan mong process na bago mo ma-adopt iyon sanggol, halos malaki na ito.

“Siguro iyon sinasabi ng fan pero personally I like Claudine. Mabait siya at magalang pag nakikita ko, para din si Marjorie at Gretchen. Now, kung meron akong off mark na nasabi, I say mea culpa. Pero sure ako na nasabi ko iyon ng walang malisya o intention masama. Continue with your advocacy Claudine, tulungan mo iyon mga bata at iyon mga gusto mag-adopt. It is a noble cause.”

‘Yan ang hanash ni Lolit sa Instagram.

“Manay tigilan niyo na po si Claudine dahil sobrang bait niya kaya kahit ano blind item niyo sa kanya wala po maniniwala sa inyo.”

“Kung love mo si @claubarretto yang mga off comment sa show niyo sabihin mo kay @claubarretto hindi yung buong mundo nakakaalam.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending