outbrain

Direktor ng ‘Watch List’ puring-puri si Alessandra

By Jun Nardo February 15,2020
share this

Direktor ng ‘Watch List’ puring-puri si Alessandra

By Jun Nardo February 15,2020
share this

ALESSANDRA DE ROSSI AT BEN REKHI

Kayang-kaya ring makipagsabayan ng mga Pinoy movies sa Oscars.

Reaksyon ito ng American-Indian filmmaker na si Ben Rekhi sa pagkapanalo ng Korean movie na “Parasite” sa nakaraang Oscar Awards bilang Best Motion Picture.

Sa tagumpay ng nasabing Koream movie, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga pelikulang gawa sa Asia bukod sa mga obra na gawa ng mga Amerikano at British.

Eh, nang tanungin namin kung anong klaseng movie ang puwedeng ipanglaban sa Oscar sa susunod na taon, agad niyang isinagot ang “Watch List.”

Ang “Watch List” ang ginawang movie ni Ben na pinagbibidahan ng mga Pinoy actors gaya nina Alessadra de Rossi, Jake Macapagal, Art Acuna, Angeli Bayani, Micko Laurente at marami pang iba.

“It’s a very human story. As it’s most basic, it’s about the lengths of a mother who will go to protect her children,” rason ng Indian-American director nang humarap sa press para sa mediacon ng kanyang pelikula.

Bow siya sa galing nina Alessandra, Jake, Art at Micko. Hindi raw siya nahirapan na makuha ang gusto niyang akting mula sa mga ito kaya naging madali lang ang kanyang journey sa paggawa ng “Watch List” na tumatalakay sa hindi pa rin masugpong problema ng bansa sa ilegal na droga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending