Maine durog ang puso: Ang sakit naman! Wag tayong magmagaling... | Bandera

Maine durog ang puso: Ang sakit naman! Wag tayong magmagaling…

Jun Nardo |February 15,2020
facebook
share this

Maine durog ang puso: Ang sakit naman! Wag tayong magmagaling…

Jun Nardo - February 15, 2020 - 12:35 AM

MAINE MENDOZA

NADUROG ang puso ni Maine Mendoza sa iba’t ibang istorya ng pag-ibig ng mga taong humarap sa Dabarkads para sa pre-Valentine episode ng Bawal Judgmental sa Eat Bulaga.

Lungkot ang nadama ng Dubsmash Queen dahil base sa kanyang tweet, mga namatayan ng partner ang mga napiling kalahok sa BJ.

“Ang sakit naman ng #BawalJudgmental topic ngayon. Isang mahigpit na yakap sa lahat ng nawalan ng minamahal sa buhay,” unang tweet ni Meng.

Sinundan pa niya ito ng, “Maine take away for today’s #BawalJudgmental episode. Every grief is unique. Do not invalidate other people’s feelings and struggles – no matter how petty you have been to them. Huwag masyado magmagaling kung hindi ikaw yung nasa posisyon Emphatize.”

Of course, walang dudang isa si Maine sa mga babaeng masayang-masaya kahapon, Valentine’s Day dahil nandiyan ang kanyang very supportive and loving boyfriend na si Arjo Atayde.

Hintayin na lang natin ang mga posts nila sa social media kung paano sila nag-celebrate ng kanilang hearts day. Ano nga kaya ang regalo nila sa isa’t isa?

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending