outbrain

Gwapo, mayamang negosyante ang bagong dyowa ni Pia

By Ervin Santiago February 14,2020
share this

Gwapo, mayamang negosyante ang bagong dyowa ni Pia

By Ervin Santiago February 14,2020
share this

MAY bago na nga bang dyowa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach?

Kalat na ngayon ang chika na nagkakamabutihan na ang beauty queen-actress at ang entrepreneur na si Jeremy Jauncey.

Sa Instagram account ni Jeremy nakalagay na siya ang founder ng Beautiful Destinations, isang creative agency, “that focused on sharing inspiring travel content from around the world.”

Sa IG Story, makikita ang magkaparehong litrato nina Pia at Jeremy na kuha habang kumakain sa Dumbo House sa Brooklyn, New York. Simpleng caption ni Pia, “Cos it’s a Sunday (heart emoji).”

Sa post naman ni Jeremy nakalagay ang, “the best Sunday brunch.” Nauna nang nabalita na magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa Bali, Indonesia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending