ABS-CBN stars tinawag na pa-victim; Angel matapang na rumesbak
HINDI pinalampas ni Angel Locsin ang mga netizens na nagsabing “pavictim” daw ang mga Kapamilya stars at tinawag pang “emotional blackmail” ang pagtatanggol nila sa ABS-CBN.
Kung maraming sumang-ayon at bumilib sa tapang ni Angel at ng iba pang malalaking talents ng ABS-CBN sa pagpapakita nila ng suporta sa network, may mga nangnega at pumuna rin sa kanila.
Ayon kay Angel, libu-libong empleyado ng network ang mawawalan ng trabaho kung hindi na ito mabibigyan ng bagong prangkisa para makapag-operate. Nakiusap din siya sa lahat na maging maingat sa pagpo-post sa social media lalo na ang mga kumokontra sa istasyon.
“Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon?
“Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama.
“Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya nyo rin po,” ani Angel.
Comment ng isang netizen, huwag daw gamitin ng mga celebrities ang kanilang powers o impluwensiya para bulagin ang publiko. Kung dapat ipasara ang ABS-CBN alinsunod sa batas kailangan itong irespeto at kung wala naman pagkakamali i-renew ang prangkisa.
Sagot naman ni Angel, “Emotional siguro ang dating because this is personal to us na gusto rin po naming maintindihan nyo po sana Salamat sa maayos na pakikipagusap.”
May ilang netizens naman ang nagsabi na mas marami pa sanang Pinoy ang makikinabang sa dapat sana’y buwis na ibinabayad ng ABS-CBN kaya tigilan daw ang pagsasabi ng mga kampi sa network na libu-libong empleyado ang maaapektuhan sa pagsasara ng ABS.
Nauna nang pinabulaanan ng Dos ang paratang na hindi sila nagbabayad ng tax kaya ang resbak ni Angel sa bashers, “According to the network, wala daw po silang utang, ma’am.”
“Gusto ko rin pong ipaalala na kami pong mga empleyado ay nagbabayad rin po ng tax.
“And to be honest, kung bilangan po natin ang lahat ng emplyeyado ng ABS, malaki-laki po ang naiaambag po namin sa pagbayad ng tax na alam po namin na makakatulong sa bansa natin.
“Ginagawa po namin ang part po namin, ma’am sa bansa. Kahamihan po sa amin ang kabilang sa mga pinakamalaking magbayad ng buwis,” sabi pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.