OOTD ng 3 GMA News Anchors may konek sa ipinaglalaban ng ABS-CBN? | Bandera

OOTD ng 3 GMA News Anchors may konek sa ipinaglalaban ng ABS-CBN?

Ervin Santiago - February 13, 2020 - 01:26 PM

NAGING kontrobersyal ang OOTD ng tatlong news anchors ng GMA 7 na sina Pia Arcangel, Vicky Morales at Atom Araullo sa live broadcast ng 24 Oras nitong Martes, Feb. 11.

Isang netizen ang nakapansin ng kulay ng kanilang mga damit sa nasabing programa na tila kakulay ng ABS-CBN logo. Ipinost niya ito sa Facebook kaya mabilis kumalat sa social media.

Makikita sa nasabing screenshot si Vicki na nakasuot ng green boatneck shift dress habang nakapula at blue naman si Atom. Ang nasabing mga kulay ang makikita sa logo ng rival network ng GMA 7.

Caption ng netizen sa kanyang Facebook post, “Did… did the 24 Oras reporters really wear ABS-CBN’s theme colors??? Is this a coincidence??? Is this media solidarity???” Dagdag pa niya, “My heart is soft.”

Maraming nagkomento na ito marahil ang paraan ng GMA para ipakita ang suporta sa ipinaglalaban ng Kapamilya Network, lalo na ang press freedom sa gitna ng issue ng franchise renewal ng istasyon.

Pero sabi naman ng ilang netizens baka raw nagkataon lang ito at walang ibang sabihin.

Ilang Kapamilya stars naman ang naniniwala na pagpapakita ito ng “solidarity”. Ayon sa international singer na si Lea Salonga at The Voice Teens coach, “Looks like solidarity to me!”

“I’d like to think solidarity,” ang komento rin ng Concert King na si Martin Nievera.

“Mabuhay!” tweet naman ng Umagang Kay Ganda host na si Gretchen Ho.

Pinusuan din ni Agot ang nasabing post habang nag-comment naman si Jim Paredes ng, “Proud of you guys. Mabuhay kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ikinatuwa rin ng mga Kapamilya stars and supporters ang tweet ni Atom bilang suporta sa ABS-CBN. Aniya, “In competition, we bring out the best in each other which hopefully benefits the audience we aim to serve.

“In defending press freedom as one, we are the proverbial rising tide that lifts all boats. Our hearts go out to our colleagues in these challenging times. Laban lang!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending