Angel: Hindi ang pagpapasara ng network ang solusyon…
PUNO ng puso ang pakiusap ni Angel Locsin sa usapin ng ABS-CBN franchise renewal.
“Isang pakiusap. Think before you click. Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc. Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network.
“KAMI po ang ABS-CBN. Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories — kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit, lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila. I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them.
“Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito. Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama.
“Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya niyo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap.”
‘Yan ang caption ni Angel sa photo ng mga staff and crew ng ABS-CBN.
Marami naman ang kumampi sa dalaga.
“Tama po Kayo miss angel locsin. Mga tao Kasi ngayon walang pakialam…masaya sila kapag mayrun nagdurusa. No to shutdown abscbn.”
“Tama ang reaction ni Angel. Maramimg tao ang natutulungan ng abs cbn tas ipapasara pa. Pwd nman pag usapan yan at idaan sa tamang proseso.”
“Naiyak ako dito hindi lang para sa employee para na rin sa mga charity ng mga artist at ang Bantay Bata at Sagip Kapamily napakadaming pilipino ang ma apektohan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.