Duterte sa COVID-19: I call on our people to remain calm, vigilant, responsible | Bandera

Duterte sa COVID-19: I call on our people to remain calm, vigilant, responsible

Bella Cariaso - February 13, 2020 - 12:14 PM

NANAWAGAN ngayong araw si Pangulong Duterte sa mga Pinoy na manatiling kalmado,  maging mapagmatyag at responsable sa harap naman ng banta ng novel coronavirus disease 2019 o COVID-19.

“I also ask your trust and cooperation, support as we face the challenge. Tayo ay magkaisa together as one nation, this challenge can be overcome, ” sabi ni Duterte sa kanyang mensahe sa mga mamamayan.

Muling tiniyak ni Duterte na tatlo pa lamang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan wala pang ebidensiya ng lokal na pagkahawa sa komunidad sa bansa

“The government, together with the World Health Organization, medical societies and partners in private sectors is addressing the challenge and preparing for any eventuality,” ayon pa kay Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na noong Linggo ay pinauwi sa bansa ang maraming Pinoy mula sa mga lugar sa China na apektado ng COVID-19.

“The government is taking care of them while they are in quarantine,” ayon pa kay Duterte.

“To our kababayans who remain in lockdown areas in China, I assure you that the government is ready to bring you home if you want. Hindi naman kayo papabayaan,” pagtiyak pa niya.

Ani Duterte na nauunawaan niya na marami sa mga Pinoy ang nangangamba sa kalusugan nila at ng kanilang pamilya.

“It is normal to feel anxious, concerned and even afraid. Maging malinis. Hugasan yung kamay frequently, yung paulit ulit. Kung every handshake mo, kung humatsing ka, takpan mo bunganga mo at tingnan mo hindi ka makahawa sa ibang tao. Kung ikaw naman ay may ubo, mag mask ka na lang,” payo pa ni Duterte.

Pinayuhan din ni Duterte ang publiko laban sa mga kumakalatcna fake news.

“Maging maingat at yung mga impormasyon na importante na manggaling sa WHO, ay ating pakinggan. At huwag makinig diyan sa mga haka-haka. Sa gobyerno kayo nakatutok. Nandiyan ang totoo sa gobyerno, wala diyan sa mga taong haka-haka na wala namang ginawa kung hindi manakot para kapwa niya tao,” sabi ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending