Binibining Marathoner 2020 lalarga sa Marso 15 | Bandera

Binibining Marathoner 2020 lalarga sa Marso 15

- February 13, 2020 - 05:26 PM

LAHAT ng babae ay nararapat bigyan ng korona.

Bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan o Women’s Month, gaganapin ang “Binibining Marathoner 2020” sa Mall of Asia grounds sa Marso 15.

Hindi ito isang paligsahan ng pagandahan at patalinuhan kundi isang karera ng takbuhan na bukas para lang sa lahat ng mga kababaihan at may pusong babae. Tampok dito ang 42.195-kilometer marathon at mga side events na 21-km, 10-km at 5-km at ang 3-km na para sa kabataan na tinawag na Munting Binibining Marathoner.

Ang mga malilikom sa Binibining Marathoner ay mapupunta sa Cribs Foundation at ang kanilang programang New Beginnings na nakatutok sa mga inabusong kabataang babae.

Dahil Buwan ng Kababaihan, nais ng patakbo na palakasin ang papel ng Pinay sa lipunan at isulong ang pantay na karapatan ng mga kasarian.

Maliban sa nakasanayang medalya at t-shirt, magpuputong din ng koronang gawa sa kapis sa lahat ng magtatapos.

Bibigyan ang lahat ng hinabing banig na bag na puno ng regalo buhat sa mga sponsor.

Kasama sa race kit ang singlet at numero at may karagdagang bayad kung nais kumuha ng tutu o palda. Ang finisher t-shirt ay para lang sa magtatapos ng 42-km at 21-km at lahat ng tatakbo ng 42-km, 21-km at 10-km ay kakabitan ng timing chip.

Tumungo lang sa mga sangay ng Garmin sa SM Malls para magpalista hanggang Marso 1 o bago magkaubusan. May online registration sa RaceYaya.com hanggang Pebrero 15.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending