MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Last year pa po namatay ang aking mother pero hanggang ngayon ay hindi pa
po namin nakukuha ang kanyang funeral benefits.
Gusto ko lang po sana na itanong kung pwede pa namin makuha at ano po ba ang kinakailangang requirments.
May mga nagsasabi po na kailangan kaming magkakapatid ang mag-ayos.
Bale apat po kaming magkakapatid . Ang problema ay busy naman sa trabaho ang mga kapatid ko.
Ano po ang dapat kong gawin at kinakailangang i-prepare na mga requrements para makuha namin ang benefits?
Umaasa ako para sa agarang tulong ng SSS.
Salamat po.
Eto po ang SSS ko…
TOPIC: SSS FUNERAL BENEFIT PROGRAM
ANO PO ANG SSS FUNERAL BENEFIT PROGRAM? SINU-SINO PO BA ANG MGA KWALIPIKADONG TUMANGGAP SA ILALIM NG BENEPISYONG ITO? KELAN PO EPEKTIBO ANG PAGTATAAS NITO?
Ang SSS Funeral Benefit ay cash benefit na ibinibigay ng SSS sa sinumang gumastos sa pagpapalibing ng yumaong miyembro. Ibig sabihin po nito, maaaring asawa, anak, pinsan o kamag-anak at kaibigan ng yumaong miyembro ay maaaring bayaran ng SSS kung sila ang nagbayad ng funeral expenses ng isang SS member.
Ang kasalukuyang funeral benefit ay nagkakahalaga ng P20,000.
Simula Agosto 2015, magbibigay na ang SSS ng hanggang P40,000.00 depende sa bilang ng kontribusyon ng miyembro at ng kanyang average monthly salary credit (AMSC). Ito ay batay sa SSS Circular No. 2015-009 matapos aprubahan ni Pangulong Benigno C. Aquino III ang naturang increase.
2. PAANO PO BA ANG COMPUTATION NG BENEPISYONG ITO? MAAARI N’YO PO BANG IPALIWANAG?
Ang isang miyembro na nakapagbayad ng isa (1) hanggang 19 na kontribusyon at may average monthly salary credit (AMSC) na 10,000 ay makakatanggap ng funeral benefit na nagkakahalaga ng P20,000.00 hanggang P20,999.00.
Samantala, ang isang miyembro na mayroong 267 na kontribusyon at may average monthly salary credit na umaabot sa P15,000 ay maaaring makakuha ng maximum funeral benefit na P40,000.00.
3. ANU-ANO ANG MGA DOKUMENTONG KAILANGANG ISUMITE? mga dokumentong kailangang isumite ay ang mga sumusunod:
-Funeral Benefit application;
-Filer’s Affidavit (Sinumpaang Salaysay);
-Certified true copy ng Death Certificate ng yumaong SS member;
-Official receipt mula sa funeral parlor;
-Residence Certificate ng claimant; at
-1 x 1 ID picture ng claimant.
4. SAAN PO MAARING I-FILE ANG BENEPISYONG ITO?
Ang funeral benefit application ay maaaring i-file sa alinmang pinakamalapit na sangay ng SSS.
Salamat.
Maria Cecilia F. Mercado
Social Security Officer IV
7/F, Media Affairs Department
SSS Building, East Avenue, Diliman, Quezon City
Tel No. 8924-7295/VOIP 5053
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.